Lumaktaw sa nilalaman
Banal na Bibliya
FIL
Suportahan ang proyekto
Larawan: Tuktok ng Pančić · Serbiya

Mga Awit 126

Tuktok ng Pančić · Serbiya · Larawan: Ratko Bozovic · CC BY 2.0

1Nang ibinalik ni Yahweh ang magandang kapalaran sa Sion, tulad kami nilang mga nananaginip.

2Pagkatapos napuno ang aming mga bibig ng tawanan at ang aming mga dila ng may awitan. Pagkatapos sinabi nila sa mga bansa. “Si Yahweh ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa kanila.”

3Gumawa si Yahweh ng dakilang bagay para sa atin; labis kaming nagalak!

4Yahweh, ibalik mo ang aming kayamanan tulad ng batis sa Negeb.

5Silang mga naghahasik ng mga luha ay mag-aani ng sigaw para sa kagalakan.

6Siyang umiiyak na lumabas, dala-dala ang binhing ihahasik, babalik muli nang may sigaw ng kagalakan, dala-dala ang kaniyang mga bungkos.

    Mga cross-reference mula sa OpenBible.info (CC BY 4.0).