Lumaktaw sa nilalaman
Banal na Bibliya
FIL
Suportahan ang proyekto
Larawan: Baybayin ng Grenada · Grenada

Mga Awit 150

Baybayin ng Grenada · Grenada · Larawan: Stefan_und_Bille · CC BY-SA 3.0

1Purihin si Yahweh. Purihin ang Diyos sa kaniyang banal na lugar; purihin siya sa matataas na kalangitan.

2Purihin siya dahil sa kaniyang dakilang mga gawain; purihin siya sa kaniyang kadakilaang walang katumbas.

3Purihin siya sa ihip ng tambuli; purihin siya gamit ang plawta at alpa.

4Purihin siya gamit ang tamburin at sayawan; purihin siya gamit ang mga instrumentong may kuwerdas at mga instrumentong hinihipan.

5Purihin siya gamit ang maiingay na pompyang; purihin siya gamit ang matitinis na pompyang.

6Purihin si Yahweh ng lahat ng may hininga. Purihin si Yahweh.

    Mga cross-reference mula sa OpenBible.info (CC BY 4.0).