Lumaktaw sa nilalaman
Banal na Bibliya
FIL
Suportahan ang proyekto
Larawan: Dalampasigan ng Umm Bab · Katar

Mga Awit 93

Dalampasigan ng Umm Bab · Katar · Larawan: Alex Sergeev (www.asergeev.com) · CC BY-SA 3.0

1Si Yahweh ay naghahari; siya ay binabalutan ng kamaharlikahan; si Yahweh ay nakadamit ng kalakasan; sinusuot niya ito na parang isang sinturon. Ang mundo ay matatag na itinayo; hindi ito matitinag.

2Ang iyong trono ay naitayo mula noong unang panahon; ikaw ay mula sa magpakailanman.

3Tumataas ang karagatan, Yahweh; kanilang itinaas ang kanilang mga tinig; ang alon ng karagatan ay nagsasalpukan at dumadagundong.

4Sa ibabaw ng nagsasalpukang mga alon, ang mga makapangyarihang naghahati ng dagat, si Yahweh na kataas-taasan ay makapangyarihan.

5Ang iyong taos pusong mga kautusan ay tunay na mapagkakatiwalaan; ang iyong kabanalan ang nagpapalamuti ng iyong tahanan, Yahweh, magpakailanman.

    Mga cross-reference mula sa OpenBible.info (CC BY 4.0).