Lumaktaw sa nilalaman
Banal na Bibliya
FIL
Suportahan ang proyekto
Larawan: Pagsikat ng araw sa Cala Llombards, Mallorca · Espanya

Mga Awit 128

Pagsikat ng araw sa Cala Llombards, Mallorca · Espanya · Larawan: Friedrich Haag · CC BY-SA 4.0

1Mapalad ang lahat ng nagpaparangal kay Yahweh, siyang lumalakad sa kaniyang kaparaanan.

2Kung ano ang ibinigay ng iyong mga kamay, ikaw ay masisiyahan; ikaw ay pagpapalain at mananagana.

3Ang iyong asawang babae ay tulad ng mabungang ubasan sa iyong tahanan; at ang iyong mga anak ay magiging tulad ng tanim ng olibo habang sila ay nakaupo sa palibot sa iyong lamesa.

4Oo, tunay nga, ang tao ay pagpapalain, siyang nagpaparangal kay Yahweh.

5Nawa pagpalain ka ni Yahweh mula sa Sion; nawa makita mo ang kasaganahan ng Jerusalem sa lahat ng araw ng iyong buhay.

6Nawa mabuhay ka para makita ang anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.

    Mga cross-reference mula sa OpenBible.info (CC BY 4.0).