Lumaktaw sa nilalaman
Banal na Bibliya
FIL
Suportahan ang proyekto
Larawan: Paglubog ng araw sa kalangitan ng Hebron · Palestina

Mga Awit 129

Paglubog ng araw sa kalangitan ng Hebron · Palestina · Larawan: حسام أبوزينة · CC BY-SA 4.0

1“Mula pa ng aking kabataan madalas akong lusubin nila,” hayaang sabihin ng Israel.

2“Mula pa ng aking kabataan, nilusob nila ako, pero hindi nila ako natalo.

3Inararo ng mga mang-aararo ang aking likuran; gumawa sila ng mahabang ukit na daan.

4Si Yahweh ay matuwid, pinutol niya ang mga lubid ng masama.”

5Nawa malagay silang lahat sa kahihiyan at tumalikod silang mga napopoot sa Sion.

6Nawa maging tulad sila ng mga damo na nasa bubungan na nalalanta bago pa ito lumago,

7na hindi na maaaring punuin ang kamay ng manggagapas o ang dibdib nilang nagtatali ng mga bungkos.

8Nawa huwag sabihin ng mga dumadaan, “Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay sumainyo; pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Yahweh.”

    Mga cross-reference mula sa OpenBible.info (CC BY 4.0).