Lumaktaw sa nilalaman
Banal na Bibliya
FIL
Suportahan ang proyekto
Larawan: Paglubog ng araw sa disyerto ng Kalahari · Namibya

Mga Awit 67

Paglubog ng araw sa disyerto ng Kalahari · Namibya · Larawan: Giles Laurent · CC BY-SA 4.0

1Maging maawain nawa ang Diyos sa atin at pagpalain tayo at pahintulutan na magningning ang kaniyang mukha sa atin

2nang sa gayon ang iyong mga pamamaraan ay maihayag sa lupa, ang iyong kaligtasan sa lahat ng mga bansa.

3Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaan mong purihin ka ng lahat.

4O, hayaan mong matuwa at umawit sa galak ang mga bansa para sa iyo, dahil hahatulan mo ang mga tao nang may katarungan at pamumunuan mo ang mga bansa sa lupa. Selah

5Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaang mong purihin ka ng lahat.

6Pinalago ng lupa ang ani nito at ang Diyos, ang ating Diyos, ang nagpala sa atin.

7Pinagpala tayo ng Diyos, at pinararangalan siya sa lahat ng sulok ng mundo.

    Mga cross-reference mula sa OpenBible.info (CC BY 4.0).